^

Metro

Bagong laya tinodas ng kakosa

-

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang ex-convict ng hinihinalang kakosa nito sa kulungan matapos na magtalo sa posibleng hatian sa kanilang ninakaw dalawang taon na ang naka­ karaan, kama­kalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Dennis Marquez,   balut vendor at residente ng Brgy. Commonwealth, ng natu­rang lungsod. Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa pangalan na Noel Huab at isa pang hindi nakilalang lalaki.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit, dakong alas-7 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ng mga tanod ng Brgy. Commonwealth ang bangkay ng biktima na lumulutang sa isang sapa sa naturang lugar.

Anim na saksak sa katawan ang tinamo ni   Marquez. Sa pagtatanong ng mga imbestigador, nabatid na huling nakita ang biktima na nakikipag-inuman kay Huab at sa isang pang lalaki.

Nabatid na magkasama sa Bulacan Provincial Jail sina Marquez at Huab kung saan dalawang taon nilang pinagbunuan ang hatol sa kasong qualified theft na kinaharap nila at kalalaya lamang. 

Hinihinala naman na posibleng nagtalo ang dalawa sa hatian ng kanilang ninakaw matapos na makalabas ng kulungan kaya nauwi sa madugong patayan ang kanilang inuman. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

BULACAN PROVINCIAL JAIL

DANILO GARCIA

DENNIS MARQUEZ

HUAB

MARQUEZ

NOEL HUAB

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with