^

Metro

Fetus bumara sa inidoro ng dormitoryo

- Danilo Garcia -

Pinaghahanap nga­yon ng mga awtoridad ang isang magkapatid na babae na hinihina­lang nag-iwan ng patay na fetus sa loob ng inidoro ng palikuran sa isang dor­mitoryo, ka­hapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang hinaha­nap na estudyante na si Christine Yatco at ang hindi pa nakikilalang ka­patid nito na hinihina­lang nag-iwan sa limang bu­wang fetus na po­sib­leng sadya nitong ini­laglag sa palikuran ng Episcopal Diocese of Central Phils. Ladies Dormitory sa may E. Rod­riguez Avenue, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-6 ng umaga nang madis­kubre ng jani­tress na si Aileen Bolangi ang na­turang fetus nang kan­yang linisin ang banyo ng mga babae matapos na may magreklamo na barado ang inodoro nito.

Isang fetus pala ang nakabara sa inidoro nang kanya itong linisin.  Agad na ipinagbigay-alam ni Bolangi ang pagkakatagpo sa fetus sa pamunuan ng dormi­toryo na siya nang humi­ngi ng tulong sa pulisya.

Sa pagtatanong ni SPO4 Gerry Abad, im­bestigador, nabatid na pinatuloy ni Yatco ang kapatid nitong babae na nahalata ng mga kasa­mahang boarders na nagdadalang-tao ilang araw bago makita ang fetus.

Hindi na mahagilap nga­yon ng mga ka­sama­hang boarders ang mag­kapatid na Yatco mata­pos na lu­misan na ang mga ito dala ang lahat ng gamit kung saan hini­hinala na ini­lag­lag ang naturang fetus. Dinala ang fetus sa Pru­dential Funeral Homes.

vuukle comment

AILEEN BOLANGI

CHRISTINE YATCO

EPISCOPAL DIOCESE OF CENTRAL PHILS

FETUS

FUNERAL HOMES

GERRY ABAD

LADIES DORMITORY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with