^

Metro

2 Korean nationals tiklo sa counterfeit drugs

-

Dalawang Korean nationals ang nasakote ng mga operatiba ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (PNP- CIDG)  matapos makum­piskahan ng aabot sa kalahating milyong halaga ng mga counterfeit drugs o pekeng gamot sa isina­gawang raid sa isang tin­dahan sa Pasay City, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni CIDG Chief, Director Edgardo Doromal ang mga nasakoteng suspect na sina  Choeng Jo­eng Jo, 43, salesman ng TAI Handicraft at Youn Kyung Kwon, 32, manager ng nasabing establisim­yento.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng  search warrant na inisyu ni Hon. Judge Edwin Ramizo ng Regional Trial Court Branch 14, pasado alas-1 ng tanghali sa  tindahan ng mga suspect na matatagpuan sa  Citem 3, PNB Financial Center sa kahabaan ng  Buendia Avenue ng nasa­bing lungsod.

Hindi na nakapalag ang dalawang Koreano matapos damputin ng mga awtoridad. Nasamsam sa operas­yon ang mga pe­keng pharmaceutical drugs gaya  ng shark cartilage, plamax, multi-vitamins, noni capsules, heap-tri capsules, paragon albu-max capsules, children’s vitamins at noni powder.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Special Law on Counterfeit Drugs ang mga suspect sa Prosecutor’s Office ng Pasay City.   (Joy Cantos)

BUENDIA AVENUE

CHOENG JO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DALAWANG KOREAN

DIRECTOR EDGARDO DOROMAL

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with