^

Metro

Binata nagbigti dahil sa kahirapan

-

Dahil umano sa hirap ng buhay na kanyang dinadanas pati ng pamilya ay nagpatiwakal ang isang 18-anyos na binata sa pama­magitan ng pagbibigti, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Nakilala ang nasawi na si Federico Militante,  ng 84 Mag­saysay St. Brgy. Parang ng lungsod na ito. Naabutan itong  patay na at nakabigti gamit ang kanyang kumot na itinali sa kisame ng bahay.

Sa ulat, dakong alas- 2:20 ng madaling araw ng matagpuan ang bangkay ng biktima  Napag-alaman pa sa mga kasamahan sa bahay ng biktima na ilang araw ng napapansing nakatulala ito at panay ang daing sa dinaranas na paghihirap ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

Ayon sa pulisya, posible umanong naisipan ng wakasan ng biktima ang kanyang buhay para matapos na rin ang kanyang dinaranas na paghihirap. Wala namang suicide note na nakuha sa lugar, habang inaalam ng pulisya kung may foul play na naganap sa nasabing kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

EDWIN BALASA

FEDERICO MILITANTE

KANYANG

NAABUTAN

NAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with