^

Metro

Lalaki hindi tinanggap sa trabaho, nang-hostage

-

Nagawang  i-hostage ang isang opisyal ng isang manpower agency ng isang lalaki na armado ng isang maha­bang itak matapos na mabur­yong nang hindi mabigyan ng trabaho sa kanyang pag-aaplay, kahapon sa Quezon City.

Nakaditine ngayon sa Quezon City Police District-Station 3 (Talipapa) ang sus­pek na nakilalang si Gilbert Sacota, tinatayang nasa 20-anyos pataas habang hindi naman nasaktan ang kanyang hinostage na si Irgie Arcala, officer-in-charge ng Triple I Manpower Agency.

Sa inisyal na ulat ng QCPD, sinabi ni Arcala na pu­masok sa kanilang tanggapan na ma­ tatagpuan sa panulukan ng Visayas Avenue at Tan­dang Sora dakong alas-8 ng umaga ang suspek na si Sa­cota na armado na ng isang mahabang itak. Agad na pina­labas ng suspek ang ibang empleyado at aplikante ng kompanya at hinostage si Arcala.

Ini-hang rin ng suspek ang lahat ng telepono ng kom­panya kaya dakong alas-11 ng umaga lamang nabatid ng pu­lisya ang nagaganap na pang­hohostage.  Rumes­ponde na­man ang mga tauhan ng QCPD-Mobile Patrol unit sa pangu­ nguna ni Supt. Raul Medina.

Tumagal halos limang oras ang naturang hostage -taking matapos na sumuko kay Supt. Medina ang suspek dakong ala-1 na ng hapon nang pu­muwesto na ang tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na naghahanda na sa pag-atake.

Sinabi pa ni Arcala na nag-aplay ng trabaho bilang factory worker si Sacota nitong naka­raang Sabado ngunit dahil sa pawang expired na lahat ng requirements na dala nito tulad ng NBI clearance ay pinabalik na lamang ito.  Nagalit naman si Sacota nang hindi ibalik sa kanya ang P40 na ibinayad niya bilang registration fee.

Patuloy na isinasailalim sa imbestigasyon ang suspek na si Sacota upang mabatid kung nasa impluwensya ito ng droga o alak habang iniha­handa na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito. (Danilo Garcia)

ARCALA

DANILO GARCIA

GILBERT SACOTA

IRGIE ARCALA

MOBILE PATROL

SACOTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with