^

Metro

Bilang na ang mga araw

-

Binalaan ng pamunuan ng Manila Police District ang mga umano’y  mga “kotong cops” at abusa­dong  pulis-Maynila na bilang na ang araw ng mga ito ma­tapos na buhayin ang isang grupo ng kapulisan na mang­­huhuli sa mga police scalawags.

Ipinaliwanag ni MPD Director Senior Supt. Danilo  Abarzosa na nagtatag sila ng “Task Group Katapat” na mangangasiwa sa pag-monitor at pag-iimbestiga sa mga tiwaling pulis.

Itinatag ang naturang  grupo bunga ng  mga report na natatanggap  ng MPD hinggil sa illegal na gawain ng mga ilang pulis na nag­bibigay ng hindi magandang imahe at  mababang pagti­ngin ng mga tao sa kapu­lisan.

Maliban sa pagsasagawa ng imbestigasyon at  pag­momonitor, idodokomento rin ng grupo ang iligal na akti­bidad ng naturang mga pulis na basehan sa pagsa­sampa ng kaso laban sa mga ito.

Mamumuno sa TG Kata­pat si Chief Insp. Dominador Arevalo, Jr. na nagsabing ma­­giging matagumpay la­mang ang Task Group sa pa­kikipagtulungan ng pub­liko.

Anumang impormasyon hinggil sa mga tiwaling pulis ay maitatawag sa cellphone no. 09198939848 at telephone no. 5361789. Lahat ng tawag ay mananatiling confidential. (Grace dela Cruz)

CHIEF INSP

DIRECTOR SENIOR SUPT

DOMINADOR AREVALO

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

TASK GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with