^

Metro

Pugot na ulo, iniregalo

- Edwin Balasa -

Binalot ng panghihilakbot ang pamilya ng isang lalaki makaraang regaluhan ito ng isang pugot na ulo na may kasamang pagbabanta sa buhay nito, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Batay sa salaysay ni Dennis Abella, residente ng Blk 3, Lot 16 Trinidad Homes Brgy. Manggahan ng lungsod na ito, dakong alas-3 ng hapon nang makakita siya ng isang kahon na nakabalot pa nang maayos at iniwan sa harapan ng kan­yang pintuan.

Dahil sa kuryosidad ay bi­nuksan nito ang nasabing kahon. Pagpasok sa kanilang bahay, habang pinapanood ng iba pang kasama sa bahay ay biglang nanghilakbot ang mga ito nang tumambad sa kanila ang pugot na ulo na may ka­samang isang sulat na nagla­laman ng “Dodgie Zarate, bini­bigyan lang kita ng ilang araw upang isoli ang Pajerong kinuha mo sa Tarlac, kundi ay uubusin ko ang pamilya mo”.

Dahil dito ay agad na hu­mingi ng tulong sa himpilan ng pulisya ang pamilya ni Abella upang iulat ang nakuhang pugot na ulo.

Sa ginawang imbestigas­yon ng pulisya, nabatid na kilala ng pamilya Abella ang sinasabing Dodgie Zarate dahil kailan lang ay nakitira umano ito sa bahay ng pamilya noong nakaraang taon subalit sandali lamang ito dahil nagtungo ito sa Saudi Arabia upang mag­trabaho doon.

Umalis si Zarate ng ka­nilang bahay noon pang Dis­yembre, 2006 at simula noon ay hindi na muli pang napunta ito sa nasabing bahay.

 Sinabi rin ni Dennis Abella na ilang beses umano nitong nakitang may dalang Pajero si Zarate subalit hindi naman niya ito binigyang pansin sa pag-aakalang pagmamay-ari niya ito dahil nga sa nagtatra­baho ito sa ibang bansa.

Kasalukuyang nagsasa­gawa ng masusing imbestigas­yon ang pulisya kung sino ang biktimang pinugutan ng ulo at kung ano ang koneksyon nito sa nawawalang Pajero.

Sasailalim din sa imbesti­gasyon si Dennis Abella para makapagbigay ng pahayag sa pulisya na pinaniniwalaang malaki ang maitutulong sa pagka­lutas nito.

vuukle comment

ABELLA

DAHIL

DENNIS ABELLA

DODGIE ZARATE

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with