Makakatanggap ang mga manggagawa sa Metro Manila ng P12 increase sa kanilang arawang take home pay, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Arturo Brion na nag-isyu na ng kautusan ang regional wage board sa National Capital Region (NCR) para sa pagkakaloob ng P12 increase sa daily minimum wage pay ng mga manggagawa sa rehiyon.
Bukod dito, na iniutos din ng wage board ang integration ng existing P50 emergency cost of living allowance (COLA ) na mangangahulugan na ang daily basic pay sa Metro Manila ay magiging P362.
Gayunman, sinabi ni National Wages and Productivity Commission (NWPC) executive director Esther Guirao na ang pay hike ay magiging epektibo lamang matapos ang publication ng bagong wage order.
Ang bagong wage order ay sumasaklaw lamang sa private sector minimum wage workers. (Grace dela Cruz)