Nanalangin bago nagpatiwakal

Nanalangin muna  sa harap ng altar at humingi ng tawad sa Diyos bago  nagpatiwakal ang  isang 75-anyos na lolo sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili makaraang hindi na nito makayanan ang nararamdamang sakit kahapon ng umaga sa lungsod Caloocan.

Patay na nang idating sa  Martinez Hospital  si Samuel Garganera, may asawa ng #140 L. Lupa Street, Maypajo ng nabanggit na lungsod. Nag­tamo siya ng tama ng bala sa kaliwang sentido buhat sa hindi pa batid  na kalibre ng baril.

Nabatid na matagal nang iniinda ni Garganera ang kanyang sakit.

Show comments