^

Metro

State of Calamity sa Munti

-

Dahil paralisado ang operasyon ng serbisyo publiko ng pamahala­ang lungsod ng Muntin­lupa at lokal na pulisya dahil sa naganap na sunog dito noong Biyer­nes, nag­ deklara kaha­pon ng state of calamity sa na­banggit na siyu­dad.

Ayon kay Muntin­lupa City Vice Mayor Artemio Simundak, mag­lulunsad ng isang agarang pagpupulong ang konseho para pag-usapan ang gagamiting   P100 million pondo sa  pagkukumpuni ng na­sunog na city hall.

Kasama sa adyenda ang pagtatayuan ng bagong city hall na isa sa pinagpipilian ang Alabang.

Nabatid na sa nga­yon ay pansamanta­lang nag-uupisina si Mayor Aldrin San Pedro at iba pang departa­mento ng pamahalaang lungsod sa People’s Center samantalang ang Muntinlupa City Police Station ay pan­samantala namang nag-uupisina sa Police Community Precinct 2 sa may Alabang.

Ayon sa nabanggit na mga local na opis­yal, hindi sila makaka­pag-serbisyo publiko sa tao nang 100 por­siyento  dahil sa natu­rang insidente.

Dahil dito, nag-dek­lara ang pamahalaang lungsod ng state of calamity sa kanilang lugar. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG

AYON

CITY VICE MAYOR ARTEMIO SIMUNDAK

DAHIL

LORDETH BONILLA

MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

MUNTINLUPA CITY POLICE STATION

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with