^

Metro

2 biktima ng salvage, natagpuan sa Maynila

-

Pinagtatadtad ng saksak  at ibinalot  ng packaging tape ang mukha at tinalian ng steel wire ang mga kamay nang matag­puan ang isang lalaki at isang ba­bae na pinaniniwalaang bik­tima ng salvage sa Maynila, ka­hapon ng madaling-araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa dalawang biktima na ang lalaki ay nasa gulang na 25-30-anyos, mahaba ang buhok, nakasuot ng maong pants at tadtad ng tattoo sa buong katawan, habang ang babae naman ay tinatayang nasa gulang na 20-30-anyos, maiksi ang buhok, nakasuot ng asul na t-shirt, light blue na shorts at may tattoo na BCJ sa kanang paa.

Batay sa isinagawang im­bestigasyon ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, da­kong ala-1 ng madaling-araw nang makita ang bangkay ng la­laking bik­tima sa kanto ng Soler at Trini­dad Sts., Quiapo, habang ang babaeng biktima ay natag­puang patay dakong ala-1:15 ng mada­ling-araw sa kanto ng 656 P. Gomez at Raon St., Quiapo, Manila.

Sa kabila na sa magka­hiwalay na lugar natagpuan ang dalawang biktima malaki ang paniwala ng mga awtoridad na posibleng iisa ang may gawa ng krimen dahil sa pareho ang pa­raan sa pagpaslang sa mga ito.

May nakuhang karatula sa bangkay ng lalaki na nakalagay ang ganito: “Huwag ninyo akong tularan holdaper ako”.

Samantalang ganito naman ang nakasulat sa bangkay ng babae: “Babala sa lahat ng ti­ rador huwag n’yo akong tula­ran man­durukot ako bilang na oras n’yo”.

Ang dalawa ay hinihinalang biktima ng salvage na maaring pinatay sa ibang lugar at itinapon na lamang sa naturang lugar.  (Grace Amargo dela Cruz)

vuukle comment

BABALA

GRACE AMARGO

HOMICIDE SECTION

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT

RAON ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with