^

Metro

Doktorang abortionist, tiklo ng NBI

-

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang isang abortionist -doctor ng Manila Health Department matapos ang isinagawang entrapment operation kamakailan.

Kinilala ni NBI Director Nestor Mantaring ang doktorang sus­pect na  si  Teresita Delizo-Ventura, Medical Officer V  ng  MHD  at  resi­dente  ng 919 Leo  St.,Sampaloc, Manila.

Dinakip din sa hiwalay na operation ang asawa nitong si Manuel Ventura matapos na  magtangkang suhulan ng  halagang P100,000   ang  mga umarestong ahente ng NBI sa kanyang  misis.

Bago ito, isang report umano ang natanggap  noong  Hulyo  9 ng NBI kaugnay sa  isang “make-shift” clinic  sa  Maynila  na  gina­gamit  bilang  abortion  clinic. Sa naturang impormasyon  ng NBI  isang Dra. Ventura ang nagsasagawa umano ng abortion pro­cedure  sa kanyang bahay kung kaya’t kumuha ng  isang  buntis  na  asset  ang  ahensiya na  siyang  nakipag-deal  kay  Ventura  para  ipa-abort ang  kanyang  sanggol  sa  halagang  P10,000.

Inihanda ang entrapment noong Hulyo 26 at sa aktong isasa­gawa na ang abortion sa asset ay doon na sinalakay ng NBI ang klinika   ng  suspect. Bunga nito’y dumating  ang  asawa  ng  suspect  na  si  Manuel at  kinausap ang  NBI  agent  na  si Rodrigo  Mapoy  na  pakawalan  na  ang  suspect  kapalit  ng  halagang  P100,000 at nang ilagay  ang  pera sa lamesa ni Mapoy ay kaagad  na  inaresto si Manuel. Kapwa nahaharap ngayon sa kasong medical  mal­practice at bribery  ang  mag-asawa. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

DIRECTOR NESTOR MANTARING

HULYO

MANILA HEALTH DEPARTMENT

MANUEL

MANUEL VENTURA

MAPOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with