^

Metro

‘Pork checkpoints’ sa MM pinaigting pa

-

Ipinag-utos na kahapon ni PNP Chief Director General Oscar Calderon ang pagpapa­lakas ng mga checkpoints upang harangin ang pagpasok ng mga ‘hot meat’ partikular ang  ‘double dead meat’   sa mga entry points sa Metro Manila.

Ang hakbang ay kasunod ng pagkakasabat kamakalawa ng gabi ng isang jeepney na puno ng mga kargang karne ng baboy na hinihinalang nagtataglay ng hog cholera sa lalawigan ng Bulacan.

Nabatid na partikular na bina­bantayan ay ang hang­ganan ng Bulacan at hilagang bahagi ng Metro Manila matapos na makatanggap ng report na ibabagsak umano sa Balintawak market  at iba pang mga pamili­han sa Metro Manila ang mga hot meat .

Ang PNP ay naalarma ma­tapos ang sunud-sunod na pag­ka­kasamsam ng naturang mga hot meat kabilang ang may 700 kilo ng double dead na karne ng baboy sa Pasay City kama­kailan.

Samantala, dahilan sa napa­ulat ang pagkalat ng hog cholera sa 11 bayan ng Bulacan ay nag­dagdag ng mga checkpoints ang pulisya sa mga bayan ng Malo­los, Guiguinto, Sta. Maria at Bo­caue kung saan inaasahan na tatangkain ng mga tiwaling negosyante na ipuslit patungong Metro Manila ang kanilang mga hot meat .

Sinabi ng PNP Chief na hindi dapat makalusot sa mga pami­lihan sa Metro Manila ang mga hot meat dahilan delikado ito sa kalusugan ng taumbayan. (Joy Cantos)

BALINTAWAK

BULACAN

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

JOY CANTOS

METRO MANILA

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with