^

Metro

Pagpaslang sa brgy. chairman sa Valenzuela, walang kinalaman sa pulitika

-

Pag-aahente  ng lupa ang sinisilip ngayon na motibo  ng mga awtoridad at hindi pulitika ang pagpaslang sa   isang kapitan ng barangay habang dumadalo ito sa flag raising ceremony noong nakalipas na Lunes  sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga. Ayon kay C/Insp. Danilo Bugay, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela-PNP, isinantabi na nila ang anggulong pulitika dahil wala naman umanong makakalaban sa nalalapit na halalang pambarangay ang biktimang si Vicente “Benjie” Trinidad, 37, chairman ng Brgy. Punturin ng nabanggit na lungsod. Sinabi pa nito, bukod sa pagiging kapitan ng barangay ay ahente rin ng lupa si Trinidad at posibleng may nainggit dito na kapwa niya ahente dahil sa ipinakikita nitong sipag. Si Trinidad ay kilalang malapit na tagasuporta ni Valenzuela City Mayor Sherwin “Win” Gatchalian. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BENJIE

BRGY

DANILO BUGAY

LORDETH BONILLA

SI TRINIDAD

STATION INVESTIGATION DIVISION

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY MAYOR SHERWIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with