^

Metro

2 salvage victim natagpuan sa QC

-

Muli na namang binu­labog ng   insidente ng salvaging‚ ang lungsod ng Quezon City matapos na matagpuan ang mga bangkay ng dalawang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution  sa bakanteng lote sa loob ng isang subdibis­yon, kaha­ pon ng madaling araw.

Patuloy na inaalam pa ng pulisya ang pagkaka­kilanlan sa dalawang lalaki na natagpuang nakabalot na plastic bag ang ulo at nakatali ang mga kamay.

Ayon sa ulat, dakong alas-5 ng madaling araw nang matagpuan ang mga bangkay ng mga residente sa loob ng Sta. Lucia Subdivision sa Brgy. Greater Lagro, ng naturang lungsod.

Ayon sa mga resi­dente, dakong alas-2 ng madaling araw nang makarinig sila ng apat na magkakasunod na putok ng baril ngunit hindi na nila pinansin dahil sa takot.  Madaling-araw na nang madiskubre  ng mga security personnel ng na­turang subdibisyon ang bangkay ng dalawa.

Nabatid na iilan pa lamang ang nakatira sa naturang subdibisyon na katatayo pa lamang at ginagamit bilang shortcut  ng mga motorista patungo ng Novaliches at Valen­zuela City.  (Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DANILO GARCIA

GREATER LAGRO

LUCIA SUBDIVISION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with