Brgy. captain tinodas
Dalawang punglo ang bumaon sa ulo ng isang kapitan ng barangay nang pagbabarilin ito hanggang sa mapatay ng dalawa sa anim na hindi nakikilalang kalalakihan habang ang una ay nagsasagawa ng lingguhang flag raising ceremony sa mismong harapan ng barangay hall, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Si Vicente Benjie Trinidad, 37, Chairman ng Brgy. Punturin, ng nabanggit na lungsod ay hindi umabot ng buhay sa
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng follow-up at manhunt operation ang mga elemento ng Valenzuela-PNP laban sa anim na hindi nakilalang salarin na mabilis na nakatakas matapos ang insidente.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa mismong harapan ng barangay hall na matatagpuan sa F. Faustino Street.
Base sa pahayag ng ilan sa mga nakasaksi sa insidente, pinangungunahan ng biktima ang kanilang lingguhang flag raising ceremony nang biglang dumating ang anim na hindi-kilalang kalalaki han na armado ng kalibre .45 baril.
Walang sabi-sabing pinaputukan ng dalawa sa mga suspect ang nabiglang biktima na agad namang nasapol sa ulo nito.
Agad namang tumakas ang mga suspect lulan ng kanilang get away vehicle na isang kulay silver na L-300 van na may plakang TEW 502.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para mabatid kung sino ang posibleng gumawa nito at kung ano ang motibo rito.
Samantala, naglaan naman ng P.5 -M na pabuya si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian para sa makakapagturo o makakaaresto sa mga killer ng nasabing kapitan.
- Latest
- Trending