^

Metro

Pulis na holdaper tiklo

-

Nadakip ng mga ta­uhan ng  Manila Police District ang isang pulis-Bicutan habang pi­nagha­hanap pa ang dalawa pa nitong kasa­mahan na umano’y sang­kot sa pang­­hoho­ldap at pagpatay sa may-ari ng isang kum­panya matapos na mag­with­­draw ang biktikma ng P250,000 cash sa isang sangay ng bangko no­ong Biyernes ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng MPD ang suspek na si PO1 Ruben Baratas, 31, na­katalaga sa National Capital Regional Office sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.  Pansaman­ta­­lang hindi pa pinapa­ngala­nan ang dalawang ka­­sam­ahan nito habang pinag­ha­hanap pa. Na­dakip si Ba­ratas sa barracks ng headquarters ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa.

Gayunman,   itinanggi ni Baratas ang akusasyon at sinabing nang maga­nap ang panghoholdap ay na­mimili umano sila ng scrap materials. Ma­gu­gunita na nag-”withdraw” ng ha­lagang P250,000 mula sa isang bangko ang biktima nang harangin sila sa daan ng mga suspek na  magka­angkas ng mo­torsiklo. Kinuhang pilit umano ng isa sa mga sus­pek ang pera na hawak ng biktima subalit nang tu­manggi ito ay binaril ng isa pang suspek. (Grace Amargo-dela Cruz)

vuukle comment

BARATAS

BICUTAN

CAMP BAGONG DIWA

GRACE AMARGO

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGIONAL OFFICE

RUBEN BARATAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with