^

Metro

Revamp sa Manila Police sinimulan na

-

Sinimulan na ni acting Manila Police District director Danilo Abarzosa ang pagbalasa sa hanay ng matataas na opisyal sa naturang distrito bunsod ng kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Epektibo noong Biyernes itinalaga si Supt. Rolando Mi­randa sa MPD Station 1 sa Tondo matapos itong alisin sa kanyang puwesto sa Station 6 at ipinalit sa kanya si Supt. Prudencio Bernal.

Ibinalik naman sa dati niyang pinanggalingan si Supt. Romulo Sapitula sa Station 3 sa Sta. Cruz at Quiapo matapos itong alisin sa Station 1 sa Tondo.

Pinalitan ni Sapitula si Supt. Rommel Cabagnot, kung saan siya ang nakakasakop sa “Viet­nam village” sa Quiapo nang ma­diskubre ito.

Ang “vietnam village” ang hini­hinalang kuta ng mga kri­minal at dealer ng droga dahil na rin sa sunod-sunod na pag­kakadiskbure ng drug-related killings dito.

Itinalaga naman si Cabagnot sa MPD headquarters sa District Operations and Plans Division, samantalang si Supt. Jovit Asayo commander ng Station 4 ay inalis sa kanyang puwesto at pinalitan ni Supt. Ernesto Marlam.

Samantalang si Supt. Ro­berto dela Rosa, ng Special Operations Group (SOG) sa Manila city  hall ay tinanggal at itinalaga sa MPD headquarters bilang pinuno ng Community Relations Division. (Gemma Amargo-Garcia)

COMMUNITY RELATIONS DIVISION

DANILO ABARZOSA

DISTRICT OPERATIONS AND PLANS DIVISION

ERNESTO MARLAM

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOVIT ASAYO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with