^

Metro

Grenade explosion sa  Maynila: 3 sasakyan wasak

-

Hindi bahagi ng terorismo kaugnay sa idaraos na   40th  Asso­ciation of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministerial Meeting (AMM) ang naganap na pagsabog na yumanig sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Ito ang inihayag kahapon ni National Task Force AMM Commander Deputy Director General Avelino Razon Jr.

Ayon kay Razon walang kinalaman ang pagsabog ng isang hand grenade sa 1232 Castanjos St. malapit sa Bustillos, Sampaloc  na ikinapinsala ng tatlong behikulo dakong alas-5:45 ng umaga, isang araw bago pasimulan ang ASEAN.

Nabatid na matapos na makarating sa kanya ang ulat, bilang National Task Force AMM Commander ay agad na nagtungo sa lugar si Razon upang magsagawa ng pag-iinspeksyon.

“It’s not related to the Asean summit. There’s no connection to terrorism yung explosion,” ani Razon.

Kaugnay naman ng mga putukan na narinig sa Makati City, nilinaw ni Razon na bahagi ito ng isinasagawa nilang dry run  para sa seguridad ng ASEAN Summit.

Sinabi ni Razon base sa imbes­tigasyon ng Manila Police District bomb squad investigators na ang pagsabog sa Sampaloc ay dulot lamang ng fraternity war ng Temple Street 13 gang sa Sampaloc.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente subali’t lumikha ito ng matinding tension sa mga residente sa lugar kung saan kabilang sa nawasak ay ang salamin sa bintana ng isang naka­paradang taxi malapit sa isang truck na may mga  kargang tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG). Kaugnay nito, ipinasuyod naman ni Razon sa kapulisan sa lung­sod ng Maynila ang mga iskinita upang maaresto ang mga miyem­bro ng fraternity na responsible sa pagpapasabog ng granada at upang tiyakin na di na mauulit pa ang insidente. (Joy Cantos at Gemma Amargo-Garcia)

CASTANJOS ST.

COMMANDER DEPUTY DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOY CANTOS

NATIONAL TASK FORCE

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with