4 holdaper bumulagta sa QC
Apat na pinaghihinalaang miyembro ng notoryus na robbery/holdup syndicates ang napaslang matapos na makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Quezon City Police sa magkakahiwalay na operasyon sa nasabing lungsod kahapon ng madaling-araw.
Binawian ng buhay habang isinusugod
Patuloy namang tinutugis ang isa pang kasama ng mga ito na sugatang nakatakas.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing shootout sa pagitan ng mga suspect at ng mga kagawad ng QCPD-District Police Intelligence Unit sa panulukan ng P. Florentino St., at Araneta Ave., Bgy. Sto. Domingo.
Sinabi ni PO2 Joseph Madrid, may hawak ng kaso, nagsasagawa ng intelligence gathering ang DPIU nang aksidenteng maispatan ng mga ito ang nangyayaring holdapan sa loob ng isang pampasaherong jeepney.
Sa puntong ito ay nakita ng mga awtoridad ang tatlong suspek na pawang armado ng baril kung saan nang sitahin ay agad na nagpaputok bunsod upang magkaroon ng shootout sa pagitan ng magkabilang panig.
Bago ito ay unang nakipagbarilan at napatay ng mga awtoridad dakong alas-3 ng madaling-araw ang hindi pa kilalang holdaper nang holdapin nito ang biktimang si Venancio Sagum, 39, sa panulukan ng Kalayaan Ave. at Kamias Road, Anonas, ng nasabi ring lungsod.
Habang isa pang hindi rin kilalang holdaper ang napatay nang maaktuhang hinoholdap ang dalawang biktimang sina Janette Manibog, 22, at Edelfredo Dano, 42-anyos sa kahabaan ng Commonwealth Ave.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan sa nasabing mga holdaper.
- Latest
- Trending