^

Metro

Mukha at katawan hiniwa ng blade ng ex-lover

-

Dahilan sa selos, pinaghihiwa ng blade sa mukha at katawan ang isang 27-anyos na babae ng kanyang dating live-in partner ma­tapos nitong mabalitaan na meron ng ibang kinakasama ang una kamakalawa ng gabi sa Tayuman, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Racquel Dela Cruz, ng Daang Bakal PNR Compound ng naturang lugar na kasalukuyang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital , samantalang kasalukuyan namang nakapiit sa Manila Police District (MPD) Station 7 ang suspek na si Sabales Marcelo, 30, tricycle driver at residente ng 1715 Old Antipolo st. Tondo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima matapos itong puntahan   ng suspek upang kunin ang ipinahiram nitong bracelet sa dating kinakasama.

Subalit pagdating sa bahay ng biktima ay ki­numpronta ito ng suspek matapos na ma­ba­li­taan na mayroon na itong bagong kina­kasama.

Lalo pang nagalit ang suspect kaya’t sa galit ay kaagad itong kumuha ng blade at pinaghi­hiwa sa mukha at katawan ang biktima  at saka mabilis na tumakas..

Mabilis namang naaresto ang suspek habang nagmamaneho ng tricycle sa kanilang lugar matapos na magsagawa ng follow-up ­ang pulisya. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

DAANG BAKAL

GEMMA AMARGO-GARCIA

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT

OLD ANTIPOLO

RACQUEL DELA CRUZ

SABALES MARCELO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with