^

Metro

Holdupper-killer ng fastfood manager, todas sa pulis

-

Nasawi sa isinagawang follow-up operation ang isa sa tatlong holdaper na nangholdap at nakapatay sa isang babaeng manager ng isang fastfood chain noong Martes makaraang makaengkuwentro ng mga tauhan ng Que­zon City Police District (QCPD) sa operasyon sa Novaliches.

Nakilala ang nasawi na si Leo Pelaez, 28, binata, at residente ng C-20 wings Compound, Bagbag, Novaliches.  Hindi na ito umabot ng buhay nang isugod sa Quezon City General Hospital.

Sa ulat ni QCPD-Station 4 commander Supt. Renato Balibia, naglunsad sila ng operasyon sa mga lugar na hini­hinalang pinagkukutaan ng mga kilabot na holdaper na nambibiktima sa mga pampasaherong jeep sa kaha­baan ng Quirino Highway sa Brgy. Bagbag, Novaliches nang mamataan ang suspect na may nakaumbok na baril sa kanyang bewang.

Tinangkang lapitan ng mga pulis ang suspek nang big­lang bunutin nito ang kanyang kalibre .38 baril at papu­tukan ang mga alagad ng batas. Dahil dito, napilitan nang gumanti ng pagpapaputok ang pulisya na ikinasawi ni Pelaez. 

Narekober buhat sa suspek ang kanyang baril, isang gamit na bala, at lima pang “live” na bala. Sinasabi pa sa ulat na isa si Pelaez sa tatlong holdaper na nangholdap sa isang pampasaherong jeep sa Novaliches noong Martes ng gabi na rito, na pinagsasaksak at napatay ng mga suspect si Arlene Rapada, 24, manager sa isang fast­food chain matapos na tumanggi itong ibigay sa mga holdaper ang dalang bag. Sugatan din ang boyfriend ni Rapada  na si John Kirby Basilio, 27. Ang dalawa ay naka­takda nang ikasal bago matapos ang taong ito. (Danilo Garcia)

ARLENE RAPADA

BAGBAG

CITY POLICE DISTRICT

DANILO GARCIA

JOHN KIRBY BASILIO

LEO PELAEZ

NOVALICHES

PELAEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with