^

Metro

Muntinlupa City Administrator sugatan sa ambush

-

Pinagbabaril at malubhang nasuga­tan ang City Administrator ng Muntin­lupa City na pamangkin ni Press Sec­retary Ignacio Bunye, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang biktima na si Roberto Bunye. Nabatid na unang itinakbo sa Mun­tinlupa Medical Hospital, sanhi ng tina­mong mga tama ng bala mula sa kalibre .45 na baril sa kaliwang bahagi ng katawan si Bunye, subalit agad naman itong inilipat sa Asian Hospital para sa karampatang operasyon sa bala na bumaon sa katawan nito.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang pa­na­nambang at pamamaril kay Bunye sa Bruger St., Putatan St., Muntinlupa City.

Napag-alaman na pauwi na sana si Bunye galing sa isang pagpupulong at lulan ito ng isang government vehicle na may plakang SFT-520. Habang bina­baybay umano nito ang nasabing lugar ay bigla na lamang siyang hina­rang ng isang motorsiklo na kinalu­lunan ng dalawang armadong suspect at agad na pinaulanan ng bala ang kanyang sasakyan hanggang siya ay tamaan.

Matapos ang pamamaril sa biktima ay agad namang pinaharurot ng mga suspect ang kanilang motorsiklo na hindi na nakuha ang  plaka.   

Narekober ng  crime scene investi­gators sa pinangyarihan ng insidente ang 20 basyo ng kalibre .45 na baril na ginamit ng mga suspect.

Sa kasalukuyan ay isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Muntinlupa City-PNP upang alamin kung sino ang nasa likod ng nasabing pana­nambang kay Bunye at kung ano ang motibo sa tangkang pagpaslang sa  huli.

Sa panayam naman kay Bunye, sinabi nito na bago pa man ang na­sabing insidente ay matagal na umano siyang nakatanggap ng sunod-sunod na mga pagbabanta sa kanyang buhay. (Rose Tamayo-Tesoro)

ASIAN HOSPITAL

BRUGER ST.

BUNYE

CITY ADMINISTRATOR

MUNTINLUPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with