^

Metro

Bebot na manager ng fast food, patay sa holdap

- Danilo Garcia -

Nasawi  ang isang babaeng manager ng isang fast food chain habang sugatan rin ang kasintahan nito maka­raang pagsasaksakin ng isa sa tatlong hol­daper na nambiktima sa kanila sa loob ng isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Novaliches Ge­­neral Hospital ang biktimang nakilalang si Arlene Rapada, 24, da­laga, residente ng San Jose del Monte, Bula­can habang nailigtas naman sa kapahama­kan ang kasintahan nito na si John Kirby Basilio, 27.

Sa ulat ni PO3 Jo­seph Diño, ng QCPD-Criminal Investi­gation Unit, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa kahabaan ng Quirino Avenue, Novaliches, ng naturang lungsod.

Sa salaysay ni Ba­silio, sinundo niya sa trabaho ang kasintahan at sumakay ng jeep upang ihatid na ito pa­uwi. Nagdeklara naman ng holdap ang tatlong suspek na armado ng patalim at baril na ka­sakay nila sa naturang jeep.

Sinasabing tumang­gi umano si Rapada na ibigay ang kanyang bag sa isa sa mga suspek kaya agad na pinagsa­saksak ang babae. Ti­nangka namang tumu­long ni Basilio ngunit maging siya ay sinak­sak rin ng holdaper.

Sa kaguluhan, na­hu­log pa ng jeep ang magkasintahan. Ha­bang papatakas, isa pa sa mga suspek ang kumalabit sa dala nitong baril ngunit ma­suwerteng hindi ito pu­mutok kaya nakaligtas pa sa kamatayan si Basilio.

Natangay ng mga suspek ang Nokia N70 cellphone ni Basilio at halagang aabot sa P15,000.

Inihahanda ngayon ng pulisya ang carto­graphic sketch sa mga suspek base sa pagla­la­rawan ni Basilio upang mailunsad na ang man­hunt laban sa mga ito.

ARLENE RAPADA

BASILIO

CRIMINAL INVESTI

JOHN KIRBY BASILIO

NOVALICHES GE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with