^

Metro

Hindi nagbayad ng utang  hinostage ng 2 araw

-

Dahil sa umano’y  hindi pagbabayad ng utang, muntik nang mamatay ang isang 25-anyos na lalaki matapos na i-hostage ng dalawang araw ng pinagka­kautangan nito kahapon sa Quiapo, Maynila.

Ang biktima ay kinilala ni Chief Insp. Ganaban Ali, commander ng Police Com­munity Precinct-Carlos Palanca, na si Gerry Ba­laong, residente ng Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.

Sinabi ng biktima sa pulisya na noong July 21 ay tinawagan siya ng isang nagngangalang “Alex”, isang negosyanteng Mus­lim at umano’y pinapupunta siya sa Islamic Center.

Dahil dito’y pinagbigyan umano ng biktima ang pa­anyaya ni Alex ngunit pag­dating doon ay hindi na ito pinalabas hangga’t hindi nito binabayaran ang P25,000 utang mula sa mga kinu­ hang DVD players.

Una rito’y nakatanggap na umano ng report ang pulisya mula sa isang con­cerned citizen kaugnay sa pagkakakulong ng biktima at ito ay papatayin na umano. Bunga nito’y agad na nagsagawa ng operation ang grupo ni Ali upang mai-rescue ang biktima.

Ipinaliwanag naman ng biktima na wala umano siyang pagkakautang kay Alex kundi ang kumpare nitong si Freddie.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang naturang suspect at nakatakdang sampahan ng kasong il­legal detention at attempted murder. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALEX

CHIEF INSP

DAHIL

GANABAN ALI

GERRY BA

ISLAMIC CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with