^

Metro

Jeepney barker todas sa 2 pahinante

-

Patay ang isang lasing na jeepney barker makaraang pagtu­lungang saksakin ng dalawang pahinante ng trak ng gulay ma­tapos na maki­pagtalo dito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Na­tagpuan na wala nang buhay sanhi ng anim na saksak sa katawan ang biktimang na­kilalang si Melvin Monje, nasa legal na edad, may-asawa, at residente ng Brgy. Nova Proper, Novaliches, ng natu­rang lungsod. Pinagha­hanap naman ngayon ang dala­wang lalaking pahinante ng isang trak ng gulay na sinasabing sumak­sak at naka­patay sa biktima. Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, dakong alas-11 ng gabi nang madiskubre ng mga residente sa Lapu-lapu St., Brgy. Nova Proper ang dugu­ang bangkay ni Monje.  Ayon sa misis nito na si Rosalie, naki­pag-inuman ang kan­yang mister na si Monje sa kanyang mga kamag-anak. Isang tricycle driver na­man ang lumutang at sina­bing nasaksihan nito ang pag­paslang kay Monje ng dalawang pahinante ng isang trak ng gulay.  Sinabi nito na pasuray-suray na tumatawid ang biktima sa Lapu-lapu St. nang businahan ng driver ng trak. Dito pinagha­hampas ng galit na si Monje ang trak sanhi upang bumaba ang da­lawang pahinante at pagsa­saksakin ang biktima. Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.  (Danilo Garcia)

 Miyembro ng Viva Hotbabes hinoldap

Isang miyembro ng Viva Hotbabes ang natangayan ng P100,000 halaga ng cash at mga gamit at muntik nang masaksak  matapos na holdapin ito habang sakay ng isang taxi sa Sta. Mesa, Manila. Ang artistang si Jaycee Parker o Joan Crystal Bejasa sa tunay na buhay, 22, at residente ng 3280 Araullo St., Bacood, Sta. Mesa ay desididong ituloy ang kaso laban sa mga suspek na humoldap at nais na sumaksak  sa kanya. Ang mga suspects ay nakilalang sina Marlon Conarco, 19; Alfredo Dizon, 24;  at Renato Badando, 32, ay pawang  nakadetine ngayon sa Manila Police District-Station 8.  Naganap ang insidente dakong alas-4:15 ng hapon sa intersection sa Jacinto Zamora, Sta. Mesa.  Batay sa reklamo ni Parker, sinabi nitong kagagaling lamang niya sa rehearsal sa Recording Mix sa Malate at sumakay ito ng isang taxi  na may plakang PWZ 590 papauwi sa kanilang bahay. Pag­hinto ng sinasakyan nitong taxi sa nasabing lugar dahil sa red signal, bigla umanong binuksan ng mga suspek ang pintuan ng taxi saka nagdeklara ng holdap at puwersahang kinuha ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng I-pod, dalawang cell­phone, wallet na may laman na P30,000 cash at iba pang mahahalagang kagamitan. Hindi pa umano nasiyahan ang  mga suspect sa pagkuha sa kanyang pera at gamit dahil muntik pa umano siyang saksakin ng ice pick ng mga ito kung hindi lamang niya nagawang sipain ang suspek. Agad namang nagreport  si Parker sa pinakamalapit na tanggapan ng barangay at pinuntahan   ang pinangyarihan ng insidente na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. Bagama’t naaresto ang mga suspek, hindi naman naisauli ang pera at kagamitan ng biktima na hinihinalang naipasa na ito sa kanilang kasamahan.  (Grace dela Cruz)

MONJE

NOVA PROPER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with