^

Metro

PNP full alert na sa SONA

- Joy Cantos -

Epektibo ngayong araw (Sabado) ay ipatutupad ng Philippine National Police (PNP)  ang full alert status sa Metro Manila kaugnay ng isa­sa­gawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa darating na Lunes.

Sa kasalukuyan, ayon kay PNP Chief Director General Oscar Calderon, nakahanda na ang 9,000 pulis sa Quezon City na poposte sa mga kritikal na lugar patungo sa Batasan Complex upang ipatupad ang seguridad sa SONA ng Pangulo.

Inihayag ng opisyal na epek­tibo alas-8 ng umaga ay imo­mobilisa ang binuong Super Task Force Kapayapaan sa ilalim ng pamumuno ni Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Reynaldo Varilla bilang overall supervisor na pangunahing ma­ngangasiwa sa seguridad.

Ayon kay Calderon, inata­san na niya ang mga Regional Directors at Commanders ng National Support Units (NSUs) para magpatupad naman ng heightened alert  kung saan ay may kapangyarihan ang mga ito na itaas sa full alert ang ka­nilang puwersa depende sa sitwasyon.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., na preparado na ang lahat ng security measures upang su­pilin ang lahat ng mga ba­yolenteng aktibidades na ma­aaring ilunsad ng mga teroris­tang grupo at mga elementong kriminal upang isabotahe ang SONA.

Inihayag ni Pagdilao na ba­gaman wala namang nata­tang­gap na bomb threats sa SONA ang PNP ay mas mabuti na ang nakahanda upang ma­tiyak ang seguridad sa na­sabing okasyon.

BATASAN COMPLEX

CAPITAL REGION POLICE OFFICE

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

CHIEF DIRECTOR REYNALDO VARILLA

INIHAYAG

METRO MANILA

NATIONAL SUPPORT UNITS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with