^

Metro

Haponesa kinidnap bago hinoldap

-

Matapos na pwersahang tangayin ay hinoldap pa ng malaking halaga ng salapi at per­sonal na kagamitan ang isang 75-anyos na baba­eng Japanese tourist ng tatlong nagpa­kilalang pulis, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Ang biktima na kinilalang si Ikuko Masu­buchi, pansamantalang naninirahan sa Rm. 812 Mabini Mansion, Mabini St. Ermita, Manila ay inaga­payan kahapon ng isang Gng. Teodora Toda, 51, ng 2740 Faraday St., Brgy. San Isidro, Makati City sa Pasay City Police Criminal Investigation (CID) upang magharap ng reklamo laban sa umano’y mga nagpa­kilalang pulis.   

Batay sa salaysay ng biktima sa pulisya,  na­ganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tang­hali habang nakasakay ang una sa isang taxi na may plakang PXL-764 mula sa Mabini Mansion.

Nabatid na nakatakdang magpahatid sana umano ang biktima sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) upang alamin ang schedule ng pag­dating ng kanyang kaibigan sa paliparan. Habang binabaybay umano ng nasabing taxi ang kaha­baan ng Roxas Boule­vard, malapit sa Japanese Embassy ay isang pulang van ang biglang humarang sa sinasakyan ng biktima.   

Kasunod nito, dalawa sa tatlong lalaki na nag­pa­kilalang pulis ang bumaba at nag-utos sa bik­tima na lumabas sa taxi at dito ay sapilitang siyang isinakay ng mga una sa naturang van. Sinabi pa ng biktima na habang nasa daan at lulan siya ng nasabing van ay sapilitang kinuha ng mga suspect ang kanyang dalang bag na nagla­laman ng salaping yen, US dollar, travellers check at per­sonal na kagamitan. Ayon pa sa biktima na pinaikut-ikot pa siya sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila bago mag-isang ibinaba sa Harrison Plaza.

Sa kasalukuyan ay isang masusing imbesti­gasyon ang isinasagawa ng Pasay-PNP para tukuyin kung sino ang drayber ng taxi na sinak­yan ng biktima upang magbigay-linaw sa naga­nap na insidente at maibigay ang impormasyon at pagka­kakilanlan ng mga suspect. (Rose Tamayo Tesoro)

BIKTIMA

FARADAY ST.

HARRISON PLAZA

IKUKO MASU

JAPANESE EMBASSY

MABINI MANSION

MABINI ST. ERMITA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with