^

Metro

Rambol: 2 todas

-

Dalawa katao ang nasawi makaraang pagtulungang ataduhin sa isang rambulan ng magkalabang grupo ng mga kabataan, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Taguig Pateros Hospital sanhi ng pitong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Owen Villa, 28, ng ISG Village, Western, Bicu­tan, habang inaalam pa ang pag­kakakilanlan ng isa pang biktima.

Batay sa ulat   ng Taguig Po­lice, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Intelligence Secu­rity Group (ISG) Village, Western Bicutan. 

Nabatid na nagkasagupa ang dalawang grupo ng ka­bataan na pawang armado ng mga pamalo at patalim hang­gang sa magrambulan ang mga ito.

Matapos ang ilang minu­tong sagupaan ay nakitang duguang nakahandusay sa lupa ang mga biktima, dahilan upang mag­kanya-kanyang pulasan ang magkabilang grupo.

Agad namang dinala sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima subalit hindi na naisalba pa ang buhay ng mga ito.

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang na­aarestong suspect ang pu­lisya hinggil sa nasabing insi­dente. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

INTELLIGENCE SECU

OWEN VILLA

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

TAGUIG PATEROS HOSPITAL

TAGUIG PO

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with