Friendster cop sinibak
Sinibak na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Cal deron ang “Friendster cop” na nagpakita ng boobs sa internet.
Ayon kay Calderon patuloy nilang iniimbestigahan ang kaso ng naturang female cop na itinago sa pangalang “Queen Rubie”.
Si Queen Rubie, nakatalaga sa tanggapan ng PNP Chief sa Camp Crame ay nalagay sa hot water matapos na kumalat sa friendster nito ang indecent photo na nakasuot lamang ng bra na kulay pula.
Una rito, inamin ni Calderon na bumaba ang moral ng PNP partikular na ang mga babaeng pulis bunga ng insidente.
Kaugnay nito, tiniyak ni Calderon na papatawan pa rin ng PNP ng kaukulang kaparusahan si Queen Rubie sakaling mapatunayang ito ang nag-upload sa internet ng mapang-akit niyang larawan na hindi akma para sa respetadong babaeng pulis. Ang nasabing female cop ay nahaharap sa kasong grave misconduct at conduct unbecoming an officer na sa sandaling mapatunayang guilty ay maaring mapatalsik sa serbisyo.
Nabatid pa na ang kaso ni Queen Rubie ay dedesisyunan rin ng National Police Commission (NAPOLCOM). (Joy Cantos)
- Latest
- Trending