^

Metro

Mensahero pumalag sa holdap, todas

-

Patay ang isang mensahero ng isang gasolinahan maka­raang pagbabarilin ng mga holdaper na nakasakay sa motor­siklo habang magdedeposito sana ito sa isang bangko, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala  ng pulisya  ang  biktima  na si Alvin Garcia, 29, men­­­sahero ng Shell gasoline station na matatagpuan  sa panulukan ng E. Rodriguez Ave. at Judge Jimenez St., Brgy. Kristong Hari, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga hindi kalayuan sa naturang gasolinahan.  Pa­tungo sana sa kalapit na bangko ang biktima upang mag­deposito ng kinita ng gasolinahan nang harangin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Nabatid na posibleng pumalag ang biktima nang tangkaing agawin ng mga suspek ang dala nitong backpack bag kung saan nakalagay ang hindi pa mabatid na halaga ng pera.  Dito na pinaputukan ng mga holdaper si Garcia saka mabilis na tumakas. Isinugod naman sa St. Luke’s Medical Center si Garcia ngunti hindi na ito umabot ng buhay bunsod ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at katawan.

Nabatid sa mga saksi na dalawa pang motorsiklo ang naka­bantay at nagsilbing look-out sa krimen na mabilis ring nagsi­takas matapos ang krimen.  (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALVIN GARCIA

DANILO GARCIA

GARCIA

JUDGE JIMENEZ ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with