6,000 anti-riot police magbabantay sa SONA ni GMA
Nakatakdang magpakalat ng 6,000 anti-riot police ang Philippine National Police (PNP) bilang security plan sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na gagawin sa Batasan Complex sa Hulyo 23.
Ayon kay PNP Deputy for Operations chief Director Wilfredo Garcia, bukod sa 6,000 kapulisan na itatalaga sa paligid ng Batasan Complex ay magtatalaga din sila ng libo pang bilang ng police personnel na magmementina naman ng peace and order sa buong Metro Manila.
Bukod dito, sinabi pa ni Garcia na nagsisimula na siyang makipag-usap sa mga militanteng grupo na inaasahang magsasagawa ng mga kilos protesta sa araw ng SONA ng Pangulo upang makipagtulungan sa gagawing aksyon ng pulisya upang maiwasan ang pagsasamantala ng mga terorista na inaasahang makikihalo sa mga rally.
Pinayuhan din nito ang mga ralliyista na siguraduhing makakakuha ng permit to rally sa local government ng
Inamin din ng opisyal na ang ginagawa nilang security plan sa SONA ngayon ay katulad rin ng kanilang ginawang preparasyon ng nakaraang taon.
Itinalaga ni Garcia bilang pinuno ng Task Force para sa seguridad sa SONA si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Deputy Director Gen. Reynaldo Varilla.
Matatandaang naging mahigpit ang ginawang SONA ng Pangulo ng nakaraang taon matapos na madiskubre ang balak na operasyon sa pagte-take over sa Batasan Complex ng mga Magdalo Group.
Inaasahan na rin na itataas ng kapulisan ang kanilang alert level sa araw ng SONA ng Pangulo. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending