^

Metro

2 patay, 6 sugatan sa bigong holdap

- Rose Tamayo-Tesoro -

Dalawa ang patay, habang anim pa ang malubhang na­su­gatan makaraan ang sam­pung minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga gu­war­diya ng banko at ng 20 ar­madong miyembro ng “Abu­yog Holdup & Roberry Syndi­cate” na nagtangkang mang-holdap, kahapon ng tanghali sa isang sangay ng Banco de Oro sa loob ng isang mall sa  Sucat, Parañaque City.

Dead-on-arrival sa Olivarez Hospital ang mga biktima na sina John Rey Awacay at Felizardo Castillo, dalawa sa anim na security guard ng na­sabing banko na pawang em­pleyado ng Royal Mandarin Security Agency.

Kasalukuyan namang nasa kritikal na kondisyon sa nabanggit ding pagamutan ang isa pang sekyu na si Ro­nald Florez, isang roving teller ng nasabing banko na kinilala lamang sa pangalan na Adrian at isa pang Oscar Barbo.

Malubha ring nasugatan sa nasabing insidente ang isang estudyante na kinilalang si Viking Magnaye ng Moon­walk, Las Piñas City.

Batay naman sa panayam ng PSN sa saksi na si Meriam Evasco, 46, negosyante, da­kong alas-12:45 nang biglang magsi­datingan ang 20 ar­madong kalalakihan na pa­wang armado ng Armalite, .45 kalibre ng baril at 9mm pistol.

Nabatid na unang binalak ng mga suspect na i-intercept ang perang ilalabas sana ng mga teller at guwardiya mula sa loob ng nasabing banko na nakatakdang isakay sa ar­mored van na naka-istambay sa harapan ng nasabing banko sa likurang bahagi ng mall.

Nabigo umanong makuha ng mga suspect ang pera nang idaan ito ng mga sekyu at teller sa secret door ng na­sabing banko dahilan upang mabuko ang balak na panghu­holdap ng mga una hanggang sa mauwi ito sa palitan ng putok.

Bagama’t  .35 caliber at isang shotgun lamang ang armas ng mga guwardiya ay nagawa nilang maitaboy ang mga suspect at naprotekta­han ang mga kostumer at ilang mga sibilyan sa posibleng panghu-hostage ng mga huli.

Napag-alaman na niratrat ng mga suspect ang mga biktima gamit ang mga armas na armalite kung saan luma­labas sa imbesti­gasyon na pawang may mga tama sa dibdib at iba pang parte ng katawan ang mga ito.

Nadamay naman ang ilan pang mga sasakyan na naka­parada malapit sa pinang­yarihan ng insidente, habang halos magkaroon naman ng stampede sa mga mamimili ng nasabing mall na nag-una­hang magsipanakbuhan sa mga storage at fitting rooms ng gusali.

Matapos ang putukan ay nahati sa tatlong grupo na nagsitakas ang mga suspect sa pamamagitan ng pang-aagaw ng mga sasakyan kabilang na ang isang transit cement mixer na may plakang RDX 382 na pag-aari ng MGS Company.

Tinutukan umano ng baril ng apat sa mga suspect ang driver ng nasabing truck na kinilala lamang sa pangalang Benitez at minan­duhan itong imaneho, hanggang sa tulu­yan nila itong iabandona sa Link Road, Las Piñas, C-5 Station.

Narekober din ang dalawa pang get-away vehicle ng mga suspect na pawang inagaw din ng mga ito sa may Gat­cha­lian Village, Parañaque City.

Kinilala naman ang isa sa mga suspect na si  Bobby Baliber na isa sa mga most wanted ng pulisya na may standing warrant of arrest sa mga kasong robbery, holdup at murder, habang hindi na­man nakuha pa ang pangalan ng isa sa mga sugatan at naka­takas na suspect.

BOBBY BALIBER

FELIZARDO CASTILLO

JOHN REY AWACAY

LAS PI

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with