^

Metro

2 pulis sa pangingikil inireklamo

-

Dalawang pulis na sina  PO3 Jonathan Campul  at  PO2 Samuel Benedictos ng Police Community Precint 1 ng Caloocan City Police ang nahaharap ngayon sa kasong robbery-extortion dahil sa reklamo ng inhin­yerong si Rosalyn Sayajon, 29, admi­nistrative officer ng K8 Inter­national Graphics Design and Services.

Inireklamo ni Sayajon na habang pinangangasi­waan niya ang pagdidiskarga ng mga office material at fur­niture mula sa isang con­tainer van sa Barangay 81 sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw, biglang dumating sina Campul at Benedictos lulan ng isang patrol car.

Sinabi ni Sayajon na hi­ni­ngan siya ni Campul ng P6,000 para maareglo ang ka­­kulangan nila sa mga kina­kailangang doku­men­to. Napi­litan siyang magbi­gay dahil nanakot ang pulis na tatang­galin ang kanilang plaka. Ga­yunman, tinangay din ng mga suspek ang ka­nilang bill of lading at gate pass. Ka­sunod nito, tinawa­gan siya ni Campul sa cell­phone at humi­hingi ng dag­dag na P10,000 para mai-re­lease ang kanilang mga dokumento. (Lordeth Bonilla)

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CAMPUL

GRAPHICS DESIGN AND SERVICES

JONATHAN CAMPUL

LORDETH BONILLA

POLICE COMMUNITY PRECINT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with