^

Metro

Sigarilyo, bentilador, computer tututukan

-

Nakaalerto rin ang mga bumbero sa pagbubukas ng mga klase sa mga paaralan mula sa Lunes at tututukan nila rito ang mga sigarilyo, bentilador at computer na pinag­mumu­lan din ng mga sunog.

Sinabi kahapon ng Bu­reau of Fire Protection na karaniwang sa sigarilyo at nag-o-“overheat” na benti­lador at computer nagsi­simula ang sunog sa mga dormitoryo at boarding house.

Sa isang panayam sa radyo, nanawagan si BFP Director for Operations Senior Superintendent  Carlito Romero sa  mga estudyanteng nanunuluyan sa mga boarding house at dormitoryo na iwasang maiwang nakabukas ang mga electrical appliances na tulad ng bentilador at computer lalo na kung gabi. 

Idiniin niya na isa sa pangunahing dahilan ng sunog ang bentilador na napabayaang nakabukas nang napakatagal at na­sobrahan sa init.

Nagbabala rin si Ro­mero sa paninigarilyo sa loob ng mga dormitoryo at boarding house dahil isa rin ito sa pinagmumulan ng sunog.

Bukod dito, pinaalalaha­nan niya ang mga estud­yante na  huwag pabaya­ang nakabukas nang mag­damag ang mga computer dahil nag-iinit din ito at ang voltage regulator nito.

“Lumilikha ng init ang computer na may voltage regulator. Ilayo ito sa mga papel at huwag panatilihing bukas nang magdamag,” sabi pa niya.

Sinabi pa niya na ang mga boarding house at dormitoryo ay dapat me­rong mga smoke detector na gumagana para maba­laan ang mga naninirahan dito sa panganib ng sunog.

CARLITO ROMERO

FIRE PROTECTION

OPERATIONS SENIOR SUPERINTENDENT

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with