^

Metro

P12-M reward ibinigay ng  PDEA sa mga impormante

-

Bilang pagtupad sa re­ward system  ng pama­ha­laan, ibinigay na ng Philip­pine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ang tina­tayang P12 milyong pa­buya sa mga sibilyang im­pormante na nagbigay ng impormasyon para sa pag­kakatuklas ng mga shabu laboratory at bo­dega sa buong bansa.

Pinangunahan ni Di­rec­tor General Dionisio San­tiago ang pagbibigay ng kabuuang P12,302,735 na mone­tary reward sa 29 na mga impormante sa PDEA Headquarters ka­maka­lawa ng hapon. Ang kooperas­yon ng naturang mga im­por­man­te ay nagresulta sa pag­ka­­katuklas sa pitong shabu laboratory; isang bodega ng shabu; pagka­kakum­pis­ka ng 1,299 kilo ng shabu; 42,209 litro ng mga iligal na kemikal; 3,688 kilo ng ephe­­drine; 91,443 kilo ng mari­juana at 993 gramo ng cocaine.

Nagresulta rin ang ibi­nahaging impormas­yon sa pagkakaaresto sa 57 mga personalidad sa droga ka­ bilang na ang siyam na Chi­nese/Taiwa­nese na­tionals.  Tatlo ring Chinese nationals na naaresto ang kabilang sa wanted list  ng mga kila­lang manufacturer at traf­ficker  ng droga sa buong Asya.

Umabot rin sa 16 na ma­tagumpay na buy bust operation at tatlong ope­ras­yon sa pagkakasabat sa trans­portasyon ng ma­ri­juana ang naging resulta ng pakikipagtu­lungan ng mga impor­mante.

Nabatid na sumailalim muna sa masusing deli­be­­rasyon ng Private Eye Re­ward Committee ang pag­bi­bigay ng naturang reward money upang ma­tiyak na na­rarapat ang mga bibig­yang impor­mante.  (Danilo Garcia)

ASYA

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCE

GENERAL DIONISIO SAN

PRIVATE EYE RE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with