^

Metro

One big celebration at Ayala Malls merchant awards

- Honey Jarque Loop -

Patay ang isang 50-anyos na Korean national makaraang pagsasaksakin ito ng isang 18-anyos na dalaga na balak niyang gahasain kahapon ng hapon sa Makati City. Kinilala ang biktima na si Lee Jae Wook, diving instructor at pansamantalang nani­nirahan sa Room 1919 Makati Palave Hotel na matatagpuan sa P. Burgos st. Brgy. Poblacion ng lungsod na ito.

Samantala, sumuko naman agad ang suspect na si Manilyn Poblacion 18, taga Cabanatuan City na ngayon ay hawak na ng Makati police. Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 2;00 ng hapon sa loob ng hotel room ng biktima. Nabatid na kinaibigan ng Koreano ang dalaga sa Cabanatuan at dinala ito sa Maynila ng hindi alam ng mga magulang nito.

Pagdating sa loob ng kuwarto pinagtangkaang pagsamantalahan ng biktima ang suspek subalit tumanggi ito dahil mayroon umano siyang buwanang dalaw na dahilan upang magalit ang Koreano at kumuha ng kitchen knife. Nag-agawan ang dalawa sa patalim at ng makuha ng dalaga ay pinagsasaksak nito ang Koreano.  (Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

CABANATUAN CITY

EDWIN BALASA

KOREANO

LEE JAE WOOK

MAKATI CITY

MAKATI PALAVE HOTEL

MANILYN POBLACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with