^

Metro

Dynamite sticks found in Comelec compound

- Artemio Dumlao -

Palaisipan sa mga  awto­ridad kung sinadya o aksidente  ang pagkakasunog ng  Philippine President Line (PPL) building kung saan natupok ang tanggapan ng  Maritime Industrial Administration (MARINA),  kahapon ng  madaling-araw sa panulukan ng  U.N Ave at San Marcelino St. Ermita, Maynila.

Inabot ng may sampung oras  ang sunog na nagsimula dakong alas-4:02 ng madaling-araw. Nagsimula ang apoy sa Room 501 sa ikalimang palapag ng MARINA hanggang sa mabilis na kumalat pataas at pababa ng gusali.

Agad namang nagresponde  ang may 42 fire trucks ng mga bumbero mula sa iba’t ibang district  na nagpalitan ng pag-aapula sa sunog. Ayon kay Supt. Ruben Morales, sapat naman ang mga kaga­mitan ng BFP subalit naging mabilis lamang ang pagkalat ng apoy dahil na rin sa mga office supplies  tulad ng  mga papel at mga computers.

Subalit tila sinisisi  naman  ni MARINA Administrator Vicente Suaso, ang BFP sa pagsasabing dismayado sila sa pagresponde ng mga bumbero dahil kulang ang supply ng tubig at walang sapat na kagamitan upang ma­pasok ang tanggapang nasusunog.

Sinabi ni Morales na  hindi sila dapat na sisihin ni Suaso dahil ginawa lamang nila ang kanilang  tungkulin at dapat ding may sprinkler  ang tanggapan dahil isa ito sa mga requirements ng BFP. (Doris Franche)

vuukle comment

ADMINISTRATOR VICENTE SUASO

DORIS FRANCHE

MARITIME INDUSTRIAL ADMINISTRATION

N AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with