Ginang kinatay ng ampon

Patay na at may tarak pa ng patalim sa dibdib nang ma­tag­­puan ang isang 52-anyos na ginang na pinaslang  ng kan­yang ampon matapos na mag­talo sa hindi pa batid na bagay kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawing bik­ tima na si Luzviminda De Cha­vez, ng  No. 27 Rosal St., TS Cruz Subdivision, Almanza Dos dakong alas-5:30 ng hapon.

Pinaghahanap naman ang suspect na si Roderick De Cha­vez na inampon lamang at ina­ruga ng biktima sa loob ng mahabang panahon.

Batay sa pahayag ng sak­sing si Edna Danes, kapit­bahay ng biktima, kay PO3 Crisanto Calatay ng Homicide section ng Criminal Investigation Division, dakong alas-11 ng tanghali kamaka­lawa nang marinig niya ang mag-ina na tila may pinag­tatalunan.

Bagama’t halos magsiga­wan na ang mag-ina ay hindi rin maintindihan ni Danes kung ano ang pinagtatalunan ng da­lawa hanggang sa ma­kita niya ang suspect na nag­mama­daling umalis ng bahay na may bitbit na mga kaga­mitan.

Ilang oras pa ang nakalipas ay napuna ni Danes ang hindi paglabas ng bahay ng ginang, tulad ng nakagawian nito kaya’t ipinasiya niyang sumilip sa siwang ng bintana kung saan tumambad sa kanya ang du­guang bangkay ng biktima.

Kaagad na humingi ito ng saklolo sa mga kapitbahay at doon nga tumambad ang bang­­kay ng biktima. Isang manhunt operation ang isina­sagawa ng pulisya para sa pagkakaaresto ng suspect.   (Edwin Balasa)

Show comments