^

Metro

JPEPA seen to cost up to P4B in tariff revenue losses

- Des Ferriols -

Puwersahang kinuha ng apat na hindi nakikila­lang suspect ang mahigit sa P.7 milyong cash sa teller ng isang banko ka­hapon ng umaga sa Quezon City.

Ang naturang halaga na kinuha ng bank teller na si Andy Paul Ticzon, ng China Bank sa isang sikat na fastfood chain para ideposito ay tina­ngay ng apat na suspect lulan ng dalawang motor­siklo.

Isang sikat na fastfood chain ang pinasok ng mga kilabot na “motor­cycle  robbery gang” at ti­na­ngay ang higit sa P.7 milyon na kinita nito sa loob ng isang linggo na nakatakda na sanang ide­­posito sa katabing bangko, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ayon sa report, na­ga­nap ang insidente da­kong alas-9:40 ng umaga sa naturang fastfood chain na nasa E. Rodri­guez Ave. ng nabang­git na lung­sod. Nabatid na kino­lekta ni Ticzon ang kita ng fastfood sa loob ng tat­long araw na aabot sa P774,000 upang ide­po­sito sa pinapasukan niyang banko. Nang pa­pa­labas na ng fastfood, dito na nila­pitan ng dala­wang sus­pek si Ticzon at tinutu­kan ng baril saka sapili­tang tinangay ang dalang salapi. Nagpa­pu­tok pa ng baril sa ere ang mga sus­pek bago tumakas.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang pulisya ngunit hindi na nagawa pang matu­koy ang mga suspek.  Na­muk­haan naman ng mga saksi ang mga suspek at naka­takdang lumikha ng carto­graphic sketch.

Ayon sa pulisya, po­sibleng matagal nang mi­namanmanan ng gru­po ang operasyon ng na­tu­rang fastfood at maa­aring may kontak rin ito sa mga empleyado na nag­bi­bigay ng tip sa oras ng pagla­labas ng pera nito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANDY PAUL TICZON

AYON

CHINA BANK

DANILO GARCIA

FASTFOOD

QUEZON CITY

SHY

TICZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with