^

Metro

Concepcion urges government to put cap on peso-dollar rate

- Ma. Elisa Osorio  -

Natangayan  ng  ha­los isang milyong piso ang kolektor ng Petron Corp. matapos na ha­ra­­ngin ang sina­sak­yang van at hol­dapin ito sa San Mar­celino St., Maynila, kahapon.

Ayon sa imbestigas­yon ng Manila Police Dis­trict (MPD), ang in­sidente ay naganap dakong alas-6:45 ng umaga sa panu­lukan ng San Marcelino at Pedro Gil kung saan  hi­na­­rang ng mga sus­pect ang mga biktima na noon ay sakay ng isang Nissan Urvan na may plakang WTV 619 na sinasak­yan ng ko­lektor ng Petron na si Cristina Cruz, cashier.

Kasama ni Cruz sa loob ng van na sina­sak­yan nito ang apat na empleyado pa ng Petron at ang driver na nakila­lang si River Pablo Re­moto, 44, driver ng Petron. La­king gulat na la­mang umano ng mga  emple­yado nang bigla silang harangin  at pa­su­kin ng mga suspects sa van.

Mabilis umanong ki­nuha ng mga suspects ang  kahon  ng  zesto na pi­naglalagyan  ng P900,000. na kinita ng Petron mula sa iba’t ibang branch nito.

Tinitingnan ng pulis­ya ang anggulo na in­side job lalo na sa driver na si Remoto na tanging naka­kaalam sa dalang pera.

Malaki rin ang ipi­nag­tataka ng pulisya na pa­laging sa  balikat lamang binabaril ng mga holda­per si Re­moto gayung pang-apat na beses nang na­hoholdap ang Petron na ito palagi ang siyang nagmama­neho ng ser­vice car ng Petron.

Narekober naman ng pulisya ang anim na empty shell mula sa .45 baril  ng mga suspects. Pinaghihinalaan na­man na mga miyem­bro ng harurot gang ang mga ito. (Grace Amar­go dela Cruz)

vuukle comment

CRISTINA CRUZ

CRUZ

GRACE AMAR

PETRON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with