88 kolehiyo at unibersidad magtataas ng matrikula

Inaprubahan kaha­pon ng Commission on Higher  Education (CHED) ang pagtaas ng may average na 7.66 porsyento sa tui­tion fee ng 88 priba­dong kolehiyo at uni­ber­sidad sa National Capital Region (NCR).

Sa isinagawang press briefing ni CHED Chair­man Dr. Carlito Puno ka­hapon, sinabi din nito na inaasahang aabot sa 2.541 mil­ yong mga col­lege student ang magsi­sipagbalikan sa um­pisa ng klase sa Hunyo 13.

Ayon kay Puno na ang tuition fee hike na epek­tibo ngayong school year 2007-2008 ay kanilang pi­nayagan sa mga nasa­bing kole­hiyo at uniber­sidad dahil ang mga ito rin ay may usapang Collec­tive Bargaining Agree­ment (CBA) na nagsa­saad ng 10 por­syen­tong dagdag suwel­do sa ka­nilang mga guro at school personnel kada taon.

Sa 88 kolehiyo at uni­bersidad na pinaya­gang magtaas ng tui­tion, 50 sa mga ito ang hu­mingi ng mas ma­baba pa sa 6.2 percent inflation rate ha­bang 38 naman ang hu­mi­ngi ng mas mataas pa sa nasabing porsyento.

Dagdag pa ni Puno na sa 299 na private col­leges at universities sa NCR, ang 88 es­kwe­lahan ay katum­bas lamang ng 29 percent lamang na pinag­bigyan ng tuition fee hike.

Ang Polytechnic Insti­tute sa Mandalu­yong City ang may pi­nakamataas hininging increase na aabot sa 64.28 percent habang ang St. Louis College sa Valenzuela City naman ang may pi­na­ka­mababang increase na aabot lang sa 0.94 percent.

Samantala nauna ng sinabi ng Depart­ment of Education (DepEd)  na 51 private elementary school at 40 high school ang magdadagdag ng tui­tion fee ngayong kata­pusan sa NCR.

Show comments