^

Metro

Trading leather shoes for rubber boots

-

Hinihiling ng ilang grupo ng mga marino sa Philippine Overseas Employment Administration na magpalabas ng maliwanag na batayan  ukol sa foreign exchange rates na ginagamit ng mga manning agencies sa bansa  sa gitna ng patuloy na pag-angat ng piso laban sa dolyar nitong mga  nakalipas na linggo.

Sa isang liham kay POEA Administrator Rosalinda Baldoz, nakiusap  sina Capt. Reynaldo Valeros ng Cre­wing  Managers Association of the  Philippines; Capt. Nes­tor­­ Vargas ng Seamen Party; Capt. Leuel Osena ng Maritime Integrity at Engr. Nelson Ramirez ng United Filipino Seafarers na mag­bigay ng akmang pata­karan kaugnay sa mga  ‘allotments’ ng mga pamilya ng mga marino.

Partikular na hiniling ng mga marino ang tamang batayan  sa ‘foreign exchange rates’ na siyang dapat ga­mitin ng mga manning agencies sa kanilang payroll scheme, alang-alang sa kapakanan ng mga libo-libong Pilipinong marino na naapektuhan  sa patuloy na paglakas ng piso. (Mer Layson)

ADMINISTRATOR ROSALINDA BALDOZ

CAPT

LEUEL OSENA

MANAGERS ASSOCIATION

MARITIME INTEGRITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with