The advertising goddess

Isang magkumpareng sina Harry Dollete, 40, at Demver Avelita, 27, ang pinagsasaksak at pinagba­baril ng isang nag-amok na lalaking hinihinalang naso­brahan sa bawal na gamot sa Hasa-Hasa Alley, Dagat-Dagatan, Longos, Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nag-iinuman ang mag­kumpare at isang Emilio Reveche sa naturang lugar nang dumating ang suspek na armado ng patalim at baril.

Tumakbo palayo si Re­veche nang maramdamang may masamang binabalak ang suspek kaya napag­balingan nitong barilin at sak­sakin sina Dollete at Avelita.  

Agad tumakas ang sus­pek na nakilalang si Daniel Atok. Kasalukuyang gina­gamot sa Tondo Medical Center ang magkumpare dahil sa tinamong mga sugat. (Lordeth Bonilla)

Show comments