The advertising goddess
Isang magkumpareng sina Harry Dollete, 40, at Demver Avelita, 27, ang pinagsasaksak at pinagbabaril ng isang nag-amok na lalaking hinihinalang nasobrahan sa bawal na gamot sa Hasa-Hasa Alley, Dagat-Dagatan, Longos, Malabon City kamakalawa ng gabi.
Nag-iinuman ang magkumpare at isang Emilio Reveche sa naturang lugar nang dumating ang suspek na armado ng patalim at baril.
Tumakbo palayo si Reveche nang maramdamang may masamang binabalak ang suspek kaya napagbalingan nitong barilin at saksakin sina Dollete at Avelita.
Agad tumakas ang suspek na nakilalang si Daniel Atok. Kasalukuyang ginagamot sa Tondo Medical Center ang magkumpare dahil sa tinamong mga sugat. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending