^

Metro

Why can’t we trust the Comelec anymore?

- Bobit S. Avila -

Napisak ang ulo at agad na nasawi ang isang 30-anyos na pahinante habang nasa kritikal na kundisyon sa isang pagamutan ang da­lawa niyang kasama nang madaganan sila ng isang trailer truck at ng kargamento nitong tone-toneladang kar­ton sa EDSA sa Magallanes, Barangay San Lorenzo, Makati City kahapon ng madaling-araw.

Namatay sa pinang­ya­rihan ng aksidente si Marcel Gupa, stay-in worker,  ng Valenzuela City dahil sa pagkapisak ng kanyang ulo at katawan.

Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Makati ang ibang biktimang sina  Alfredo Garcia, 38, at Charlie Ma­darang, 35, stay-in driver.

Lulan ang mga biktima ng trailer truck na may plakang  CTN-599 na pag-aari ng Bangkal  Trucking Company at bumabagtas sa may EDSA Magallanes nang big­lang sumabog ang hulihang gulong nito.

Nawalan ng giya ang trak, bumaligtad at nadaganan si Gupa na nakaupo sa liku­rang bahagi ng sasakyan. Tumi­lapon naman sina Garcia at Madarang na na­daganan ng mga karton at tu­mama ang ulo sa kon­kre­tong kalsada.

Ihahatid sana ng mga biktima sa Batangas ang ka­nilang kargamento nang ma­aksidente. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALFREDO GARCIA

BARANGAY SAN LORENZO

CHARLIE MA

MAGALLANES

MAKATI CITY

MARCEL GUPA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with