Dahil sa matinding depression sa buhay, isang ginang na bagong panganak ang nagpatiwakal matapos itong maglaslas ng pulso at magbigti sa Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jennifer Berdon, 26, maybahay ng construction worker na si Veenjoly Berdon, 30, na kapwa nakatira sa Sitio Mabilog Brgy. Culiat, Quezon City.
Dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang ginang na nakabitin mula sa kisame ng ginagawang eskuwelahan sa may Lagro, Quezon City.
Ayon sa pagsisiyasat ng Scene on the Crime Operatives ng Quezon City Police District, naglaslas muna ng pulso ang biktima bago nagbigti gamit ang isang sinturon.
Bago maganap ang insidente, dinalaw umano ng biktima ang asawa nito na stay-in sa ginagawang eskuwelahan at dahil sa matinding depression sa buhay kung kaya’t nagawa nitong magpatiwakal. (Lordeth Bonilla)