The sounds of grace

Isang overseas Filipino worker ang sinaksak at napatay ng kanyang selosong mister  sa loob ng kanilang bahay sa Las Piñas City kahapon.

Kinilala ni Senior Police Officer 1 George Gabriel ang suspek na si Rolito Pador na agad na tumakas pagkatapos ng pamamaslang pero nadakip din kinalaunan ng pulisya.

Lumilitaw sa imbestigasyon na, bago naga­nap ang krimen, nagkaroon ng mainitang pagta­talo sina Pador at asawang si Irish sa kanilang bahay sa Bernabe compound  sa Barangay Pulang Lupa ng naturang lunsod.

Nabatid na ang biktima na isang overseas Filipino worker ay nagnanais na makipaghiwalay sa suspek. Nakiusap si Pador na huwag siyang hiwalayan ni Irish kaya dumampot ng isang kut­silyo ang una at sinaksak ang huli.  (Rhodina Villanueva)

Show comments