Babalangkas na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng desisyon nito hinggil sa hinihinging taas pasahe ng Pasang Masda sa mga pampasaherong jeep na bumibiyahe sa Metro Manila.
Ngayong Huwebes, Mayo 24 ay magsasagawa ng isang malakihang pulong ang LTFRB board sa pangunguna ni LTFRB Chairman Thompson Lantion, transport groups at Department of Energy upang upuan ang usapin sa fare increase.
Unang nanawagan si Pasang Masda President Obet Martin na ibalik ng LTFRB ang pasahe sa jeep sa P7.50 minimum fare mula sa kasalukuyang P7.00 sa unang apat na kilometro.
Giit ng Pasang Masda, dapat nang maibalik ang dating jeepney fare na P7.50 dahil tumaas na naman ang presyo ng gasolina ng P1.00 kada litro at 50 sentimos kada litro sa diesel noong nakaraang Sabado bunsod ng peso-dollar exchange rate. (Angie dela Cruz)