Palasyo pumalag sa payo ni Bro. Mike
Binalot ng takot at tensiyon ang The Fort makaraang isang higanteng kompanya ng call center dito ang nakatanggap ng text message na isang malakas na bomba ang nakatanim sa kanilang gusali at nakatakda itong sumabog anumang oras, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.
Dahil dito, ay nag-unahan palabas sa gusali ng Ambergris Solution sa 3rd at 4th sa Market Market ng The Fort, nabanggit na lungsod ang mahigit sa 2,000 call center employees na pawang nakaranas ng sobrang nerbiyos bunga ng nasabing bomb threat.
Nabatid na tumagal din sa halos tatlong oras natigil ang transaksiyon sa loob ng nasabing kompanya makaraang respondehan ng mga tauhan ng pulisya na nagsagawa ng clearing operations.
Batay sa ulat na ipinarating kay P/Supt. Alfred Corpus, hepe ng Taguig City Police, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang makatanggap ng text message ang isang opisyal ng Human Resources Department ng Ambergris na may bombang nakatanim sa loob ng nasabing gusali at anumang oras ay nakatakda na itong sumabog.
Dahil dito ay napilitan silang alarmahin at palabasin ang lahat ng empleyado bago inireport sa pulisya ang natanggap na impormasyon. Agad na nagsagawa ng clearing operations ang bomb and explosives team ng pulisya sa nasabing gusali at lumitaw na negatibo ito sa anumang bomba o eksplosibo. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending